^

PM Sports

Mabigat ang labanan sa Le Tour de Filipinas

Pang-masa

MANILA, Philippines - Maglalaban-laban ang 10 continental teams,  limang clubs na naka-base sa walong iba’t ibang bansa  bukod pa sa isang  national squad sa ikalimang edisyon ng Le Tour de Filipinas na lalarga sa April 21-24.

Handog ng Air21 sa pamumuno ng kanilang pangulong si Jerry Jara at co-organized ng UBE media, ang 2014 LTdF ay sisimulan ng 160-kilometer Stage One na Clark- Olongapo City sa April 21 kasunod ang 170-km Stage Two na Olongapo City- Cabanatuan City sa April 22 bago ang 146.6-km Stage Three na Cabanatuan City-Bayombong (Nueva Viscaya) sa April 23 at ang pinakahuli ay ang 134-km Stage Four na Bayombong-Baguio City via Kayapa Road at Ambuklao sa April 24.

Sa tulong ng Smart, NLEX, SCTEX, TPLEX, BCDA, Petron at Victory Liner, ang 7-Eleven Road Bike Philippines (continental) at Philippine Navy-Standard Insurance ni sports patron Judes Echauz ang lalaban para sa bansa kontra sa matitinik na dayuhan sa LTdF na advocacy ni PhilCycling chairman Bert Lina na naglalayong i-promote ang competitive at leisure cycling bukod pa sa pa-lakasin ang tourism.

Sina Jonifer ‘Baler’ Ra-vina, ang 2012 LTdF champion at two-time local tour titlist Mark Galedo ang mangunguna sa 7-Eleven, habang ang isa pang dating two-time Philippine champion na si Santy Barnachea at ang maaasahang si Lloyd Lucien Reynante ang babandera sa Navy-Standard Insurance.

Makakasabayan nila ang mga riders ng Asian Racing Team at Team Uyko ng Japan, KSPO Cycling Team ng Korea, PT Pegasus Cycling Team ng Indonesia, Terengganu Cycling Team ng Malaysia, CCN Cycling Team ng Brunei, OCBC Cycling Team ng Singapore, Polygon Sweet Nice ng Ireland at Tabriz Shahr-dari Ranking ng Iran.

Ang mga club teams ay kinabibilangan ng Atilla Cycling Club ng Mongolia, Satalyst Giant Racing Team ng Australia at Track Team Astana ng Kazakhstan. Kasali rin ang United Arab Emi-rates national team.

“We expect a more exciting race this year with the participation of 10 continental teams and three other formidable foreign squads,” sabi ni Jara, ang bagong organizer ng LTdF. “Our Filipino riders, however, are as prepared to again keep the title in Philippine soil.

Ang continental team ay isang registered squad sa International Cycling Union, ang world governing body para sa cycling.

Ito ay ang professional team na kumakarera ng buong taon sa mga UCI-sanctioned races para umaani ng puntos nang sa gayon ay tumaas ang  kanilang world rankings.

ASIAN RACING TEAM

ATILLA CYCLING CLUB

BAYOMBONG-BAGUIO CITY

BERT LINA

CABANATUAN CITY

CABANATUAN CITY-BAYOMBONG

CYCLING

CYCLING TEAM

OLONGAPO CITY

TEAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with