LAS VEGAS - Sa kanilang huling press conference kamakalawa ay nag-usap sina Manny Pacquiao at Timothy Bradley, Jr. habang kinukunan ng litrato ng mga photograpers.
Sinabi ni Pacqiao na wala namang nangyaring ‘trash talking’ sa pagitan nila ni Bradley.
“We just told each other that we will make the fans happy. He asked if I’m ready and I said I am. He also said, ‘It’s two days to go.’ It was a good conversation,†wika ni Pacquiao.
“I told him, ‘The fans will enjoy it and let’s do it,’†dagdag pa nito.
Kumalat ang usap-usapang sinabihan ni Pacquiao si Bradley na pababagsakin niya ito sa kanilang rematch bukas.
“Wala naman. Hindi naman,†ani Pacquiao. “Nag-pagwapuhan lang kami.â€
Ang kanilang laban ni Bradley ay nakatakda sa welterweight limit na 147 pounds at hangad ni Pacquiao na muling mabawi ang WBO na inagaw sa kanya noong 2012.
Ayon kay Pacquiao, wala siyang problema sa kanyang timbang.
Sa timbang na 147 pounds ay maaari niyang kainin ang anumang gusto niya.
“No problem sa timbang,†sabi ni Pacquiao matapos magpapawis sa Top Rank Gym sa Las Vegas. “No need to diet,†dagdag pa nito.
“He has nothing more to do,†sabi naman ng kanyang conditioning coach na si Justine Fortune.
Ayon sa dating heavyweight contender, tumimbang si Pacquiao ng 149 pounds bago siya nagpapawis sa gym.
“He was 149 dressed this morning,†ani Fortune na nagsabi pang kapag lumabas si Pacquiao ng gym matapos ang isang two-hour workout ay titimbang siya ng 146 pounds.
Sinabi ni Fortune na makukuha ni Pacquiao ang timbang sa oras ng kanilang official weigh-in sa alas-2:30 ng hapon sa Grand Garden Arena.
“He’s happy to walk into a fight not needing to dehydrate,†sabi ng conditioning coach at ngayon ay boxing gym owner sa Los Angeles.