^

PM Sports

Adamson at NU umabante sa quarterfinals ng V-League

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ipinoste ng Adamson University ang kanilang pangatlong sunod na panalo matapos gibain ang Arellano University, 17-25, 24-26, 25-14, 25-19, 15-11, at kunin ang ikala­wang quarterfinal ticket sa Group A sa Sha­key’s V-League Season 11 First Conference ka­hapon sa The Arena sa San Juan City.

Sa ikalawang laro, ti­nalo ng nagdedepensang  National University ang Far Eastern University, 25-19, 25-23, 25-19, pa­pa­sok sa quarterfinals.

Nagbida sina relie­vers Amanda Maria Villanueva at Ma. Erika Gel Alkuino sa huling tatlong sets para sa pagresbak ng Lady Falcons mula sa pag­kakaiwan sa kanila ng Lady Chiefs sa season-opening conference ng ligang suportado ng Sha­key’s.

Nagtala si Villanu­e­va ng 9 hits, habang may dalawa si Alkuino pa­ra sa pangatlong dikit na ratsada ng Adamson ma­tapos matalo sa UAAP champions na Ateneo La­dy Eagles sa pagsisimula ng torneo noong Marso 23.

Winakasan ng Arella­no ang single round elims mula sa kanilang 4-1 record.

Tatapusin ng Adamson ang kanilang kam­pan­ya sa eliminasyon sa Abril 27 sa pagsagupa sa St. Benilde.

Naglista si Shiela Pi­neda ng 17 kills bukod pa sa 2 blocks at 2 service aces, habang may 18 hits naman si dating ace spi­ker Pau Soriano.

Nag-ambag naman si Thai guest player Patcharee Sangmuang ng 15 mar­kers.

May pinagsamang 28 sa 50 excellent digs ng Lady Falcons sina Pineda at Sangmuang.

 

vuukle comment

ADAMSON

ADAMSON UNIVERSITY

AMANDA MARIA VILLANUEVA

ARELLANO UNIVERSITY

ATENEO LA

ERIKA GEL ALKUINO

FAR EASTERN UNIVERSITY

FIRST CONFERENCE

LADY FALCONS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with