Power Pinoys nanghina sa Iraq

MANILA, Philippines - Lumabas ang kakulangan sa height ng PLDT Home TVolution Power Pinoys nang yumuko sa nag­lalakihang South Gas Club Sports ng Iraq, 25-22, 25-19, 25-18, sa Asian Men’s Club Volleyball Championship kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

May average height na 6-foot-2, lakas sa pag-atake ang naging puwersa ng Iraq na sinabayan pa ng pagpa­pasikat sa service game upang kunin ang liderato sa Group A sa kanilang 1-0 baraha.

Ang Bulgarian import na si 6’6 Aleksandaron Ama­­niev Metodi ay may 13 kills patungo sa kanyang 15 puntos, habang ang Hungarian 6’5 import na si Baroti Arpad ay naghatid ng 12 puntos mula sa siyam na kills at tatlong service aces.

Sa pinal na stats ng laro ay apat lamang ang inilamang ng Iraqi sa Power Pinoys sa attack department, 35-31, pero maagang itinatak ng koponan ang kanilang marka upang makalayo agad sa labanan.

Bumaba sa 1-1 baraha ang Power Pinoys at kaila­ngan nilang manalangin na talunin ng Iraq ang Mongo­lia para dumiretso na sa quarterfinals.

Show comments