Power Pinoys nanghina sa Iraq
MANILA, Philippines - Lumabas ang kakulangan sa height ng PLDT Home TVolution Power Pinoys nang yumuko sa nagÂlalakihang South Gas Club Sports ng Iraq, 25-22, 25-19, 25-18, sa Asian Men’s Club Volleyball Championship kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
May average height na 6-foot-2, lakas sa pag-atake ang naging puwersa ng Iraq na sinabayan pa ng pagpaÂpasikat sa service game upang kunin ang liderato sa Group A sa kanilang 1-0 baraha.
Ang Bulgarian import na si 6’6 Aleksandaron AmaÂÂniev Metodi ay may 13 kills patungo sa kanyang 15 puntos, habang ang Hungarian 6’5 import na si Baroti Arpad ay naghatid ng 12 puntos mula sa siyam na kills at tatlong service aces.
Sa pinal na stats ng laro ay apat lamang ang inilamang ng Iraqi sa Power Pinoys sa attack department, 35-31, pero maagang itinatak ng koponan ang kanilang marka upang makalayo agad sa labanan.
Bumaba sa 1-1 baraha ang Power Pinoys at kailaÂngan nilang manalangin na talunin ng Iraq ang MongoÂlia para dumiretso na sa quarterfinals.
- Latest