P16 milyon ang pag-aagawan sa 6/49 super lotto

MANILA, Philippines - Ikalawang milyonaryo sa super lotto draw sa buwan ng Abril ang hanap sa gabing ito sa 6/49 draw.

Nasa P16 milyon ang huling jackpot prize na pinaglabanan at hindi tinamaan ang lumabas na numero na 39-40-43-35-41-48 noong Martes ng gabi.

Ganito pa rin ang premyong pag-aagawan ng mga tumatangkilik sa super lotto at umaasa silang matutulad sa masuwerteng mananaya na nanalo noong  Abril 1.

Isang mananaya ang nakasapul sa binolang numero na 9-13-17-20-22-29 para maiuwi ang P63,332,184.00 premyo.

Inaasahang papalo naman sa mahigit na siyam na milyon ang premyong nakataya sa 6/42 na bobolahin din sa gabing ito.

Lumusot ang P8,846,892.00 jackpot prize noong Abril 8 nang hindi tinamaan ang 5-30-37-02-28-14 numerong lumabas sa bola ng gabing iyon.

Sa buwan ng Abril, lumabas ang pinakamasuwerteng lotto follower dahil tinamaan ang mega jackpot prize sa 6/55 draw.

Nangyari ito noong Lunes at naiuwi ng solo winner ang P249,841,572.00 premyo matapos makuha ng buong-buo ang lumabas na 5-21-27-28-39-42 na kombinasyon.

Lalabas ngayon na nasa 6/45 mega lotto ang may pinakamalaking jackpot prize na hindi pa tinatamaan dahil lumusot noong Abril 7 ang P59,743,988.00 ang prem­yong pinag­labanan nang walang makakuha sa tamang numero na 31-26-03-14-45-19.

 

Show comments