MANILA, Philippines - Ibalik sa focus ang kamÂpanya ang nais na maÂkamit ng Big Chill SuperÂchargers sa pagharap sa Cebuana Lhuillier Gems sa pagpapatuloy ngayon ng PBA D-League Foundation Cup sa Meralco Gym sa Ortigas Avenue, PaÂsig City.
Ang laro ang siyang una sa double-header sa ganap na alas-2 ng hapon bago sundan ng tagisan ng Cagayan Valley Rising Suns at Derulo Accelero Oilers sa alas-4 ng hapon.
Parehong lumasap ng unang kabiguan ang SuperÂchargers at Gems sa kaÂnilang huling laro para malagay sa ikalawang puÂwesto kasalo ang pahiÂngang Café France BaÂkers sa 2-1 baraha.
Hindi maganda ang nangyaring pagkatalo paÂra sa tropa ni coach RoÂbert SiÂson dahil bukod sa inilampaso sila ng nagdeÂdepensang kampeon na Blackwater Sports, 75-93, nagbalak pa ang koÂpoÂnan na mag-walkout dahil sa pakiwari ay nadeÂdehado sa tawagan.
Dahil sa ‘unsportsÂmanÂlike action’ na ito ay pinatawan ng D-League CommisÂsioner’s Office ang Big Chill ng multang P150,000.00.
Pilit na iniaalis ni Sison ang pangyayaring iyon at sisikaping ibalik ang focus ng manlalaro laÂlo pa’t single round roÂbin lamang ang kompetisÂyon.
“Every win counts kaÂya kailangan namin maÂging consistent tulad ng ginawa namin last confeÂrence,†pahayag ni Sison na pumangalawa sa Aspirants’ Cup.
Hindi birong kalaban ang Gems na hangad din na bumangon mula sa 67-70 pagkatalo sa Cagayan Valley.
Ang mga ipinagmamalaking guards na sina James Martinez, Paul ZaÂmar at Marcy Arellano ang mga huhugutan ng puntos ng Gems, habang ang mga big men sa paÂnguÂnguna ni Rodney BronÂdial ang lakas na piÂpigain ng Big Chill.
(ATan)