^

PM Sports

Philracom tumanggap ng 2-parangal

Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinatingkad ng Philippine Racing Commission (Philracom) ang selebrasyon ng ika-40th anibersaryo  ng pagkakatatag para pangasiwaan ang horse racing industry sa pamamagitan ng pagtanggap ng plaque sa ibang ahensya ng pamahalaan dahil sa pagtalima sa tuwid na landas na ipinaiiral ng Pangulong Benigno Aquino III.

Kinilala ng Bureau of Internal  Reve­nue ang Komisyon bilang isa sa mga
nangungunang taxpayers habang ang Civil Service Commission   ay
naggawad ng pagkilala sa ahensyang pinangangasiwaan ni chairman Angel
Castano Jr. bilang isang Level II Accreditation status sa isinusulong
ng CSC na Program to Institutionalize Meritocracy and Excellence in
Human Resource Manage­ment (PRIME-HRM).

Si CSC chairman Francisco Duque III ang siya misyong naggawad ng
sertipikasyon sa Philracom na kinatawan nina Depu­ty Executive Director
III Eva L. Bataller at Administrative Officer  Anna Maria T. Dimaano
sa seremonyang ginawa noong Marso 27.

Sapul nang umupo ang bagong pamunuan ay buhos ang kanilang programa
hindi lamang para mapaganda ang estado ng horse racing kungdi upang
maging maayos ang serbisyo ng Komisyon sa kanilang mga nasasakupan sa
pamamagitan ng mga maaasahang tauhan.

Pasado rin ang Ko­misyon kung ang panga­ngasiwa sa industrya ang
pag-uusapan dahil patuloy ang paglago ng kita ng industriya dahil sa
pakikiisa ng mga major players tulad ng tatlong racing clubs,
mga horse owners, trai­ners at jockeys.

Ang mga plano sa industriya ay bahagi ng ipinalabas na Road Map 4Z
2011 and Beyond na ginawa ilang buwan matapos maupo si Castano at
ibang kasamahan sa board.

Ang mga repormang ginawa ay nakatulong para tumabo ang karera sa unang
quarter sa taong 2014 dahil mas mataas ng P154.7 milyon ang kita sa
buwan ng Enero hanggang Marso sa taong ito kum­para sa nasabing tatlong
buwan noong nakaraang taon. (AT)

ADMINISTRATIVE OFFICER

ANNA MARIA T

BUREAU OF INTERNAL

CASTANO JR.

CIVIL SERVICE COMMISSION

EVA L

EXECUTIVE DIRECTOR

FRANCISCO DUQUE

HUMAN RESOURCE MANAGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with