Wizards lusot na

WASHINGTON – Nakapasok na sa playoffs ang Washington Wizards  sa unang pagkakataon  sapul noong 2008 matapos makasiguro ng slot sa Eastern Conference nitong Miyerkules sa pamamagitan ng 118-92 panalo kontra sa Boston.

Umiskor si Marcin Gortat ng 22-points upang pangunahan ang Wizards, nagyakapan sa midcourt matapos ang final buzzer.

Nagdagdag si John Wall, ang 2010 No. 1 overall draft pick na ngayon pa lamang nakakalaro, ng 13-points at 10-assists.

Sa mga nagdaang season ay hindi sila lu-malagpas ng 24 games at umabot ng 29 noong nakaraang season at hindi umaabot sa .500.

Sa San Antonio, nagtala si Tony Parker ng 18-points at 8-assists habang si Tim Duncan ay may 15-points at 8-rebounds nang hatakin ng San Antonio ang kanilang franchise record winning streak sa 19-games.

Lumayo pa ang San Antonio (59-16) ng 4-games laban sa  Oklahoma City sa kanilang Match-up nitong Huwebes ng gabi sa Oklahoma City.

Naipahinga ni Spurs coach Gregg Popovich ang kanyang mga core players nang lumamang na sila ng 26-puntos.

Sa New York, nagkaroon ng linaw ang tsansa ng Knicks na makapasok sa plyoffs matapos ang 101-81 panalo sa Brooklyn Nets.

Show comments