^

PM Sports

Nagpakita ng lakas ang Firm Grip

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakita uli ang lakas ng Firm Grip para masama sa mga kabayong nagkaroon ng magandang panimula sa una­ng takbo sa buwan ng Abril na nangyari noong Martes ng gabi sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona Cavite.

Si CM Pilapil ang patuloy na dumiskarte sa kabayo na tumakbo sa full gate,  kasama ang isang coupled entry, sa huling race eight at nahigitan ng tambalan ang magandang ipinakita sa buwan ng Marso para manalo sa class division 1A sa distansyang 1,500-metro.

Ang mga kabayong Silver  More at Dear John ang mga napaboran sa labanan pero hindi nagpadaig ang Firm Grip na nalagay sa pa­ngatlong puwesto noong Marso 22.

Buo ang puwersa ng Firm Grip na lumaban at tinalo ng kabayong binigyan ng 55.5 kilos handicap weight na Silver More ni KB Abobo para sa unang panalo sa loob ng isang buwan dahil noon pang Marso 2 huling nangibabaw ang nasabing tambalan.

Nagpasok ang win ng P18.50 habang ang 4-1 kumbinasyon sa forecast ay nagkahalaga pa ng P39.50.

Nagpatuloy din ang mahusay na takbo ng kabayong Sirib matapos mabalik sa pagpapanalo nang dominahin ang class division 3 sa distansyang 1,300-metro.

Hindi nasabayan ng mga katunggali ang lakas sa pagtakbo ng Sirib para manalo sa ikatlong pagkakataon sa huling apat na karera.

Ang King Mammoth na inaasahang makakalaban ng Sirib dahil bumaba ito mula class division 4 ay nalagay lamang sa ikatlong puwesto kasunod ng nadehado pang Summer Style ni EL Blancaflor.

Nagkamal ang mga nakakuha sa forecast na 1-7 ng P68.00 habang ang win ay may P10.00 dibidendo. (AT)

ANG KING MAMMOTH

CARMONA CAVITE

DEAR JOHN

FIRM GRIP

MARSO

SAN LAZARO LEISURE PARK

SILVER MORE

SIRIB

SUMMER STYLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest