Howard nagpa-injection uli sa namamagang left ankle

Nagpa-injection sa ikalawang pagkakataon si Dwight Howard sa kanyang namamagang left ankle, ayon kay Kevin McHale ng Houston Rockets matapos ang kanilang 105-96 pagkatalo sa Rockets.

Ayon kay McHale, may  soft tissue inflammation sa ankle kaya hindi nakalaro ang All-Star center ng lima sa kanilang huling 7-games.

Nauna rito, sinabi ni Howard na tinanggalan din ng tubig ang kanyang bukung-bukong.

Sinabi rin ni Howard, hindi niya inaasahang matagal siyang matetengga at makakalaro pa siya uli ngayong season.

Gayunpaman, hindi siya lalaro sa laban kontra sa Toronto.

Show comments