MANILA, Philippines - Nanatili ang San Antonio Spurs sa liderato ng NBA Power Rankings. Kasabay nito, humahabol na si Kevin Durant kay Michael Jordan.
1. San Antonio Spurs (58-16; ranking nila last week: 1): Sumulong sa bagong record na 18-game winning streak ang Spurs matapos igupo ang India-na at susunod nilang sasagupain ang Golden State at Oklahoma City.
2. Oklahoma City Thunder (54-19; ranking nila last week: 3): Umiskor si Kevin Durant ng hindi bababa sa 25 points ng 38 straight games at dalawang laro na lang ay aabutan na niya ang 17-taong record ni Michael Jordan.
3. Los Angeles Clippers (53-22; ranking nila last week: 2): May reputasyon si coach Doc Rivers na maingat sa kanyang star players na may injury. Asahan ito kay Blake Griffin na may back spasms.
4. Miami Heat (51-22; ranking nila last week: 7): Haharapin ng Miami sa sariling balwarte ang posibleng ma-ging kalaban nila sa second-round ng playoffs na Raptors sa Lunes. Ang Miami ay may 14-game win streak kontra sa Toronto, kabilang ang 3-0 ngayong season.
5. Houston Rockets (49-23; last week’s ranking: 4): Ang Houston ay 13-8 ngayong season kapag starter si Jeremy Lin sa point guard position. Out na indefinitely si point guard Patrick Beverley dahil sa injury sa tuhod.
6. Indiana Pacers (52-23; ranking nila last week: 5): Surpresang may 8-9 record lang ang Indiana nga-yong March at umiskor lang ng 85 points sa kanilang huling anim na games. Ang susunod pa nilang kalaban ay ang Spurs.
7. Portland Trail Blazers (48-27; ranking nila last week: 9): Ang Golden State ay may hawak na 2-1 lead sa kanilang series ng Trail Blazer para sa playoff tiebreaker. Host ang Portland sa kanilang laban kontra sa Warriors sa April 13.
8. Golden State Warriors (45-28; ranking nila last week: 6): Bukod kay Andrew Bogut na ‘di na nakakalaro dahil sa groin injury, nag-miss din si David Lee ng dalawang sunod na game dahil sa hamstring injury at hindi pa siya nakakatakbo ngayon.
9. Phoenix Suns (44-30; ranking nila last week: 11): Ang schedule ng Suns na umaasang makapasok sa playoffs ay kontra sa Clippers, Blazers, Thunder, Pelicans, Spurs, Mavs, Grizzlies at Kings.
10. Memphis Grizzlies (44-30; ranking nila last week: 8): Kalaban ng Memphis ang apat sa kanilang huling walong laro ang mga nagpapanalong koponan at may apat na games na natitira overall sa sariling balwarte.