Santiago, Maraño patok sa PSL draft
MANILA, Philippines - Gaganapin ngayon ang kauna-unahang Drafting ng Philippine Superliga sa NBA Café sa SM Aura sa Taguig City sa alas-2 ng hapon para sa pagbubukas ng liga sa Mayo 10 sa PhilSports Arena (dating Ultra) sa Pasig.
Ang Petron Blaze Spikers ang unang pipili sa pool na binubuo ng 26 players.
Ang Lady Blaze Spi-kers ay kakatawanin nina team manager Monch Cruz at assistant coach Shaq de los Santos.
Ang ikalawang pipili ay ang pinakabagong prangkisa na Air Asia, kasunod ang RC Cola, Cagayan Valley, PLDT MyDSL, Cignal at ang Philippine Army na maglalaro sa ilalim ng Generika Pharmaceuticals na kakatawanin ni team manager Claire Carlos.
Sinasabing puntiryang makuha ng Petron, puma-ngatlo sa kauna-unahang PSL invitational at pang-lima sa import-laced PSL Grand Prix noong nakaraang taon, si dating National University stalwart Aleona Denise ‘Dindin’ Santiago, ang UAAP Season 76 Best Spiker awardee.
Ang Air Asia-Zest na binubuo ng mga dating De La Salle University Lady Spikers na sina Michele Gumabao, Melissa Gohing, Stephanie Mercado at Cha Cruz at asam mahugot si dating two-time UAAP MVP na si Abigail Maraño.
“Next year, there will be 23 players graduating from the UAAP alone. The NCAA and the other leagues are also to let go of many other quality players. The PSL will be looking forward to giving them a great opportunity to continue playing the game they love even after their collegiate careers,†pahayag ni Ramon ‘Tats’ Suzara, presidente ng nag-organisang Sportscore.
- Latest