MANILA, Philippines - Naipasok ni Mark Belo ang jumper sa baseline sa huling 8.4 segundo para maitakas ng Boracay Rum Waves ang 80-79 panalo sa Cafe France Bakers sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Meralco Gym sa Ortigas Ave. Pasig City.
Naunang umiskor si Chris Banchero para makumpleto ng Waves ang pagbangon mula sa 76-79 iskor at makabawi mula sa 103-94 pagkatalo sa NLEX para sa 2-1 karta.
“We won this game by stroke of luck,†wika ni Boracay coach Lawrence Chongson na kumuha ng 19 puntos kay Banchero habang sina Prince Caperal, Paolo Taha at Belo ay nagsanib sa 31 puntos.
Unang kabiguan ito ng Bakers matapos ang tatlong laro para magkatabla ng Waves sa ikaapat at limang puwesto sa 10 koponang liga.
Sina Rodrigue Ebondo at Jam Cortez ay tumapos bitbit ang tig-18 puntos para sa natalong koponan.
Nagpatuloy naman ang mabangis na porma ng NLEX Road Warriors nang kunin ang ikatlong sunod na one-sided game laban sa Hog’s Breath Cafe Razorbacks, 91-58, sa ikalawang laro.
Umiskor si Ola Adeogun ng 11-puntos sa unang yugto na dinomina ng Road Warriors, 28-14 at tuluyang iniwanan ang Razorbacks ng 37 puntos sa labanan.
“I challenge the players to play defense because I’m not happy with the way they performed in our first two games,†masayang sinabi ni NLEX coach Boyet Fernandez.
Solong nasa ibaba ang NLEX sa 3-0 baraha at sina Jake Pascual, Matthew Ganuelas at Rome dela Rosa ay naghatid pa ng 12, 10 at 10 puntos. (AT)
May 14 puntos si Paul Sanga para sa Razorbacks na natalo sa ikatlong sunod na pagkakataon. (AT)
Boracay Rum 80 –Banchero 19, Caperal 11, Taha 10, Belo 10, Ignacio 8, Bautista 5, Ilagan 5, Rono 5, Cabrera 3, Sabelina 2, Tagarda 2, Lingganay 0, Siruma 0.
Café France 79 – Ebondo 18, Cortez 18, Montilla 14, Abundo 11, Sedurifa 7, Batino 5, Acidre 3, Gallardo 3, Opiso 0, De Leon 0, Banua 0, Mutombo 0.
Quarterscores: 19-23; 39-38; 59-64; 80-79.
NLEX 91 – Adeogun 13, J. Pascual 12, Dela Rosa 10, Ganuelas 10, Lanete 9, R. Pascual 8, Long 7, Amer 5, Dela Cruz 4, Alas 4, K. Pascual 3, Koga 2.
Hog’s Breath Café 58 – Sanga 14, Gabawan 10, Avillanoza 10, Robles 8, Rios 5, Canta 3, Najorda 3, Belencion 3, Racal 2, Ruaya 0, Austria 0, Publico 0, Terso 0, Macasaet 0.
Quarterscores: 28-14; 48-29; 69-43; 91-58.