^

PM Sports

D-Rose nakikibahagi na sa non-contact drills

Pang-masa

DEERFIELD, Ill.  – Sinabi ni Chicago Bulls coach Tom Thibodeau na nakikibahagi na si Derrick Rose sa non-contact drills sa kanyang ginagawang recovery mula sa ikalawa niyang major knee injury.

Sinabi rin ni Thibodeau sa mga reporters sa practice nitong Miyerkules na ang dating MVP point guard ay hindi na lalaro uli ngayong season bagay na ilang ulit na sinabi ng team sapul nang bumagsak si Rose.

Napunit ang meniscus ni Rose sa kanyang right knee sa Portland noong November at napagdesis-yunan ng Bulls na hindi na siya puwedeng lumaro ngayong season. Hindi na lumaro si Rose noong nakaraang season dahil sa pagrerekober mula sa ope-rasyon kung saan inayos ang kanyang napunit na anterior cruciate ligament sa kaliwang tuhod.

CHICAGO BULLS

DERRICK ROSE

KANYANG

MIYERKULES

NAPUNIT

ROSE

SINABI

THIBODEAU

TOM THIBODEAU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with