MANILA, Philippines - Apat na kabayo ang hindi makikita sa kareraÂhan sa loob ng isang buwan
matapos suspinÂdihin matapos ang masamaÂng ipinakita sa huÂling mga
takÂbo.
Ang mga kabaÂyong ito ay ang Charger, Windy Hour, Mahadi at Golden
Needle na hindi makakatakbo hanggang Abril 15.
Sumali ang mga nasabing kabayo sa kareÂrang ginawa sa MetroTurf sa
Malvar, Batangas noong Marso 15 at 16 pero nagkaroon ang mga ito ng
infractions para mabigyan ng kaparusahan.
Ang Golden Needle na sinakyan ni RF Torres ay nasuspindi dahil tumapos
ito na mahigit na 75-metro ang layo sa pumangatlo sa karerang nangyari noong
Marso 15.
Nagkaroon ng bilaÂteral epistaxis ang Windy Hour na nangyari sa
ikalawang pagkakataon para patawan ang kabaÂyong sinakyan ni Dan
Camañero ng isang buwang pahinga at kailaÂngang sumailalim sa isang
official barrier trial.
Nilagnat ang Charger sa karerang nilahukan noong Marso 16 dahilan para
ma-scratch ito at pagpahingahin din ng isang buwan habang ang
Mahadi ay nagkaroon din ng bilateral epistaxis sa ikalawang
pagkakataon nang sumailalim sa barrier trial para ipahinga uli sa
loob ng isang buwan.
Mahigpit ang pamunuan ng horse racing lalo na ang mga Board of
Stewards ng tatlong raciÂng clubs sa kondisyon ng mga kabayo para
matiyak na palaban ang mga ito at hindi madedehado ang mga tumatayang bayang karerista.
May ilang kabayo na rin ang binigyan ng tatlong buwang suspension at
ang huling pinatawan ay ang Four Speed na hinaÂwakan ni BM Yamzon
matapos tumakbo noong Marso 11 sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona,
Cavite.Natuklasan na nagkaroon ang kabayo ng bilateral epistaxis sa ikatlong
pagkakataon para ipagÂutos ang mas mahabang pahinga. (AT)