Walang liquidation, walang pondo

MANILA, Philippines - Nagbabala ang Philippine Sports Commission (PSC) sa mga delingkuwenteng NSAs o national sports associations na patuloy na hindi, nagli-liquidate ng kanilang mga kinuhang pondo sa ahensiya noong nakaraang taon.

Sinabi ni PSC chair at 17th Incheon Asian Games chief of mission Richie Garcia na ipinag-utos ang ‘no liquidation, no funding policy’ ng ahensya matapos makatanggap ng memorandum mula sa Commission on Audit na huwag nang pondohan ang mga NSAs na mayroon pang unliquidated accounts.

“We are acting based on the COA circular,” sabi ni Garcia sa Phl Olympic Committee general assembly kahapon. “This leaves us no choice but to stop funding all NSAs with unliquidated expenses. Meaning, no funding will be given.”

Mayroon nang 10 NSAs ang tinanggihan ng PSC sa kanilang financial requests dahil sa kanilang mga unliquidated accounts.

“COA told me that I am authorized to do whatever I want,” ani Garcia. “But at the same time, I will be the one answerable to them if these NSAs don’t liquidate the financial assistance given to them.”

Sinabi na ni Garcia noong nakaraang linggo na may 30 NSAs ang may kabuuang unliquidated cash advances na umabot sa P32 million.

Bukod sa hindi makakakuha ng financial assistance mula sa PSC, maaari ding maharap sa kaso ang mga delingkuwenteng NSAs.

“They will be sued by the government. We already got notice from the Commission on Audit several times and we extended this to NSAs and the POC. If we don’t do this, the PSC will be answerable and we will be sued,” sabi ni Garcia.

Show comments