MANILA, Philippines - May kabuuang 120 teams ang maglalaban-laban sa Little League Philippine Series na nakatakda sa April 20-27 sa 13 iba’t ibang venue sa Marikina City.
Sinabi ni Jolly Gomez, PSC commissioner at Little League district administrator na gaganapin ang naturang event bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-75th year ng Little League International.
“This will be a very big event for all the teams from Luzon, Visayas and Mindanao,†sabi ni Gomez kahapon sa Shakey’s Malate.
Kasamang dumalo ng PSC commissioner sa lingguhang sports forum na handog ng Shakey’s, Accel at Pagcor sina Little League deputy district administrator Chito Gonzalez at Marikina sports coordinator Warren Sira.
Sinabi ni Gonzalez na sa baseball, may 14 teams sa under-14 juniors, 13 teams sa Senior League 16-under at 12 teams sa Big League 18-under. Sa softball para sa mga babaeng players, 18 teams ang kalahok sa Little League, 11 teams sa Junior League, siyam sa Senior League at dalawa sa Big League.
Ayon kay Sira, kinatawan ni Marikina Mayor Del de Guzman, ang Marikina Sports Center ang magiging main venue habang ang mga kalapit na paaralan na puwedeng pag-laruan, ang iba pang magi-ging venue at may back-up venue rin sa Pasig City.
Ang mananalo sa Philippine Series ay siyang kakatawan ng bansa sa Asia-Pacific Regional Championships sa Clark, Pampanga sa unang linggo ng July.
Ayon kay Gomez, may 17 bansa na kinatawan ng 54 teams ang kalahok sa Asia-Pacific regionals.