MANILA, Philippines - Mananalo lamang si world welterweight king Timothy Bradley, Jr. sa kanilang rematch kung hindi siya makikipagsabayan kay Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao.
Ito ang pahayag kahapon ni Juan Manuel Marquez, parehong nakasagupa nina Pacquiao at Bradley, sa isang pa-nayam ng Mexican paper na ‘Golpe a Golpe’.
“Bradley cannot allow himself to trade punches. He has to use his technique and speed as he’s always done,†payo ni Marquez kay Bradley. “I have always said that an elusive fighter, who steps side to the side, can win fights.â€
Apat na beses nagsagupa ang 35-anyos na si Pacquiao at ang 40-anyos na si Marquez kung saan napatumba ng Mexican ang Filipino boxing superstar sa sixth round noong Disyembre 8, 2012.
Tinalo ng 30-anyos na si Bradley si Marquez via split decision sa kanyang ikalawang pagtatanggol sa suot na World Boxing Organization (WBO) welterweight crown noong Oktubre ng 2013.
Sinabi ni Marquez na kung tatakbuhan ni Bradley si Pacquiao sa kanilang rematch sa Abril 12 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada ay siguruhin nitong makakapag-iwan ng suntok kay ‘Pacman’.
“You can’t go backwards without throwing punches. Bradley has to connect with punches and box, use his skills that best suits his needs.... stepping to the side, speed but connecting.â€
Ginitla ni Bradley si Pacquiao sa isang kontro-bersyal na split decision win para agawin sa Sarangani Congressman ang hawak nitong WBO welterweight belt noong Hunyo 9, 2012 sa MGM Grand.
Bago talunin si Marquez ay binigo muna ni Bradley si Ruslan Provodnikov via unanimous decision para sa kanyang unang pagtatanggol sa WBO title noong Marso ng 2013.
Si Provodnikov, ang bagong WBO light welterweight titlist, ay naging sparmate ni Pacquiao sa kanyang paghahanda laban kay Bradley. (RC)