MANILA, Philippines - Umani ng 13 panalo ang trainer na si Dave Dela Cruz sa buwan ng Pebrero para pumaimbulog sa unahan sa palakihan ng kinita sa hanay ng mga trainers.
May kabuuang 23 panalo bukod sa 20 segundo, 28 tersero at 14 kuwarto puwestong pagtatapos matapos ang dalawang buwan sa taong 2014 si Dela Cruz para makaahon matapos ang pangatlong puwesto sa buwan ng Enero.
Kumabig na si Dela Cruz ng nangungunang P399,544.07 at itinulak nito ang dating nasa unahan na si Ruben Tupas tungo sa pangala-wang puwesto.
Walong panalo ang naitala ng mga kabayong sinanay ni Tupas noong nakaraang buwan para sa kabuuang 17 panalo, 30 segundo, 19 tersero at 16 kuwarto puwesto at palawigin sa P393,308.95 ang kinita.
Si Conrado Vicente ay nalagay na sa ikatlong puwesto bago sinundan ni RP La Rosa at Renato Hipolito.
May kabuuang 20 panalo, 24 segundo at tig-16 tersero at kuwarto puwesto ang mga inilaban ni Vicente para sa P381,978.10 habang si La Rosa ay may P346,577.51 kinita.
Nagpakinang kay La Rosa ang pagkakaroon ng pinakamaraming panalo sa mga trainers na 24 para isama sa 17-11-6 segundo hanggang kuwarto puwes-tong pagtatapos.
Si Hipolito na mayroong 13 panalo bukod sa 16-14-17 pangalawa hanggang pang-apat na puwestong pagtatapos, ay kumabig ng P270,710.71.
Limang iba pang hinete ang kumita na ng mahigit na P200,000.00 para okupahan ang ikaanim hanggang sampung puwesto.
Si JC Pabilic ay No. 6 sa P242,276.93 (13-16-14-17), kasunod sina Rey Henson sa P239,770.92 (14-13-7-9), Manuel Vicente sa P238,135.19 (11-12-14-16), ES Roxas sa P223,675.00 (16-5-12-5) at Danilo Sordan sa P203,170.61 (12-9-11-8).