MANILA, Philippines - Hindi na makikita pa si national athletics coach Joseph Sy sa mga pasilidad na nasa pangangalaga ng Philippine Sports Commission (PSC).
Sa isinagawang PSC board meeting kahapon, napagkasunduan ng mga kasapi ng ahensya na na-ngangalaga sa sports ng bansa na i-ban si Sy bunga ng pagkakatuklas na siya ang humahawak sa ATMs ng atleta dahil sa negos-yong money lending.
Nagpulong ang board upang talakayin ang rekomendasyon ng binuong 3-man panel upang im-bestigahan ang akusasyon kina Sy at Rosalinda Hamero na nagpabaya sa kanilang tungkulin dahil may ibang pinagkakaabalahan.
Lumabas sa rekomendasyon na ginawa nina POC chairman Tom Carrasco Jr., PSC legal head Atty. Yen Chan at badminton coach Allan de Leon na tunay ang naunang isiniwalat ni commissioner Jolly Gomez na napapabayaan ng dalawang coaches ang mga atleta dahilan para tanggalin sa talaan ng mga sumasahod sa PSC sina Sy at Hamero.
Tumatanggap ng P20,000.00 sina Sy at Hamero noong kasama pa sa payroll ng PSC.
Sunod na pinag-usapan ng board ang money lending ni Sy na ibinuko ng mga atleta ng PATAFA.
Si Myanmar SEA Games long jump gold medalist Henry Dagmil ang siyang nagsalita sa negosyong ito ni Sy at isiniwalat na hawak niya ang mga ATMs ng atletang pinautang.
“This is on outright defiance to the PSC poli-cy. Hindi puwedeng hawakan ng ibang tao ang ATM ng isang atleta. The board decided to ban Sy from all facilities under PSC,†wika ni PSC chairman Ricardo Garcia.
Mangangahulugan ito na hindi papapasukin si Sy sa Rizal Memorial Sports Complex, ULTRA sa Pasig City at sa training camp sa Baguio City.
Nilinaw ni Garcia na sa PSC roster lamang tinanggal ang dalawang coaches at may karapatan ang PATAFA na kunin pa ang kanilang serbisyo pero sila na ang magbabayad ng kanilang sahod.