PBA All Stars idaraos sa MOA

MANILA, Philippines - Ibinigay ng Philippine Basketball Association (PBA) sa Mall of Asia Arena ang pamamahala sa 2014 PBA All-Star Weekend na nakatakda sa Abril 3-6.

Itatampok sa PBA All-Star Weekend ang mga napiling players na ibinoto ng mga fans at sasabak sa ilang events kagaya ng three-point shootout, skills competition at All-Star Game na katatampukan ng banggaan ng PBA All-Stars at Gilas Pilipinas.

Matutunghayan din ang salpukan ng PBA Greats at Stalwarts at ang Skills Challenge game sa Abril 4 habang nakatakda naman ang pagtutuos ng PBA All-Stars at Gilas Pilipinas sa Abril 6.

Ang iba pang aktibidad sa All-Star Weekend ay ang basketball clinics, hospital visits, medical visits, meet and greet, referee clinics at coaches clinics.

Ang Mall of Asia Arena, pinanga-ngasiwaan ng SM Lifestyle Entertainment, Inc., ay may seating capacity na 15,000 at may full-house capacity ng 20,000.

Ito ay naging venue para sa mga world-class concerts at sports events sa bansa.

Show comments