Salamat sa Ateneo at sa La Salle

Karaniwang ang men’s basketball tournament ang tinututukan sa UAAP ngunit aminin natin, marami na ang naho-hook sa women’s volleyball.

Salamat sa Ateneo at La Salle sa napaka-exciting na laro sa katatapos lamang na UAAP Season.

Salamat kina Alyssa Valdez at Abigail Maraño at naging exciting ang bawat laro dahil sa kanilang performance.

Salamat kina Ateneo coach Anusorn Bundit ng Thailand at La Salle coach Ramil De Jesus sa mahusay nilang pagmamando.

***

Napakatamis na tagumpay ito para sa Ateneo.

Literal na dumaan sila sa butas ng karayom bago makamit ang titulo.

Ilang do-or-die game ang kanilang dinaanan tu-ngo sa kanilang tagumpay.

Kinailangan nilang lampasan ang Adamson at National University sa step ladder semifinals bago kinalos ang La Salle.

Congrats sa Ateneo volleybelles…

***

Napakasakit ng sinapit ng La Salle...

Matapos mamayagpag sa elimination round sa pag-sweep ng 14-games ay nauwi sa wala ang lahat ng kanilang pinaghirapan.

Nasayang ang kanilang thrice-to-beat advantage nang sila ay gulantangin ng Ateneo.

Bawi na lang next year.

***

Hindi napigilan ni Abigail Maraño ang pag-iyak matapos matalo sa do-or-die game nila ng Ateneo.

Para sa kanya, isang malaking failure ang pagkatalo ng La Salle.

Nabigo siyang maihatid sa ikaapat na sunod na titulo ang Lady Spikers sa kanyang huling taon ng paglalaro sa La Salle.

Ngunit  naririyan ang kanyang mga teammates at ang buong La Salle community para i-comfort siya.

Show comments