Collins mananatili na sa Brooklyn

NEW YORK -- Pinapirma na si Jason Collins ng Brooklyn Nets para sa kabuuan ng season.

Natapos na ng unang NBA player na umaming bading, ang kanyang ikalawang 10-day contract na nangangahulugan na dapat siyang papirmahin ng Nets hanggang sa katapusan ng season kung gusto siyang panatilihin ng koponan.

Nagdag si Collins ng 5 points, 6 rebounds at 6 steals sa walong laro sapul nang pumirma sa unang 10-day contract noong Pebrero 23.

Siya ay naging maaa-sahang veteran big man ng Nets matapos magkaroon si center Brook Lopez ng injury bukod pa sa back spasms ni Kevin Garnett.

Si Collins ay nasa kanyang ika-13 season sa liga, kasama ang unang anim sa Nets.

 

Show comments