MANILA, Philippines - Mga pagsubok na hinarap sa kaagahan ng UAAP women’s volleyball ang nakatulong para maabot ng Ateneo ang tila imposibleng gawin, ang hiranging kampeon sa Season 76.
Nawalan ng mga mahuhusay na manlalaro matapos ang 75th season, napilayan pa ang Lady Eagles nang nagkaroon ng mga injuries sina Ana Gopico at Margarita Tejada sa kalagitnaan ng first round.
May panahon din sa first round na hindi nakasama ng koponan ang bagong pasok na Thai coach na si Anusorn ‘Tai’ Bundit dahil kinailangan niyang bumalik sa kanyang bansa dahil may laro ang National junior men’s team na hawak niya.
Ngunit ang bagay na ito ay nakatulong para lalong magbuklod-buklod ang koponan.
“Blessing in disguise ang nangyaring mga injuries sa team. Kinailangan namin na mag-adjust at lahat ay naka-focus sa mga ipinagagawa ni coach Tai. Nag-double time kami kasi may mga nawala so siguro iyon ang nag-push sa amin kung bakit nakaabot kami rito,†pahayag ni team captain Alyssa Valdez.
Dahil sa pagpupursigi, bumangon ang Lady Eagles mula sa pa-ngatlong puwestong pagtatapos sa elimination round at kinalos ang Adamson at second seed National University (dalawang beses tinalo) sa step ladder semifinals.
Kinaharap nila ang La Salle at bitbit nito ang dalawang sunod na panalo sa Finals laban sa Ateneo para makabuo ng three-peat sa liga.
Pero sadyang nabiyayaan ang Lady Eagles ng ginawang paghihirap dahil naisantabi nila ang tila di matitibag na thrice-to-beat advantage.
Noong Sabado sa punung-puno na Mall of Asia Arena para sa deciding Game four ay inilabas ng Ateneo ang pinakamabangis na paglalaro sa kasaysayan ng koponan sa UAAP nang hiyain ang Lady Archers sa three sets, 25-23, 26-24, 25-21, tungo sa kampeonato.
Si Valdez ang naging kauna-unahang manla-laro ng liga na hinirang bilang Most Valuable Player sa Season at Finals pero ibinahagi ng dating junior player ng UST ang kredito sa kanyang mga teammates.