Pacquiao nakatutok sa kanyang pag-eensayo

MANILA, Philippines - Ipinagpatuloy ni Filipino world eight-division cham­pion Manny Pacquiao ang kanyang matinding pag­hahanda kahapon sa Wild Card Boxing Gym sa Hollywood, California.

Hindi nakita kay Pacquiao ang pagrerelaks isang araw matapos bisitahin nina American music icon Bob Dylan at RNB superstar Ashanti.

Inubos ng Sarangani Congressman ang kanyang pa­wis sa punch mitts kasama si chief trainer Freddie Roach.

Ibinanat naman ni strength and conditioning coach Justin Fortune ang mga buto ng 35-anyos na si Pacquiao sa kanyang workout.

Hahamunin ni Pacquiao ang 30-anyos na si Timothy Bradley, Jr. para sa bitbit nitong World Boxing Organziation (WBO) welterweight crown sa kanilang rematch sa Ab­ril 12 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

 

 

Show comments