Kobe hindi na makakalaro sa Lakers ngayong season

EL SEGUNDO, California — Hindi na makakalaro si Kobe Bryant para sa Lakers ngayong season.

Medyo nalungkot si Bryant matapos ang desis-yong tapusin ang kanyang ika-18th NBA season makaraang sumalang lamang sa anim na laro.

Dahil sa kanyang naba-ling buto sa kaliwang tuhod ilang araw bago mag-Pasko, hindi na nakalaro ang Lakers superstar at hanggang ngayon ay hindi pa siya puwedeng mag-exercise ng may weights.

Patungo sa huling 5-linggo ng season ng Lakers na puro injury, mas pinili nilang pagpahingahin na lang si Bryant para maging healthy sa susunod na taon kung saan magi-ging 36-gulang na siya.

Bagama’t ‘di gaanong nakalaro si Bryant, determinado siyang hindi na mauulit ang mga kamalasan ng Lakers sa 2014-15 season.

“I feel like killing everybody every time I go to the arena,” sabi ni Bryant. “I’m just on edge all the time. Yeah, I still feel it, pro-bably more than anybody in the organization does. I probably feel it more and it drives me absolutely crazy.”

 

Show comments