Juico nanawagan sa mga PATAFA athletes na magkaisa
MANILA, Philippines - Hinimok ni PATAFA chairman Philip Ella Juico ang mga coaches at atleta sa track and field na magkaisa na at ilaan ang galit sa mga makakalaban sa malalaking kompetisyon na kanilang haharapin.
Si Juico ay nakasama ni PATAFA president Go Teng Kok na kinausap ang mga atleta at coaches matapos ang masaganang tanghalian kahapon sa kanilang tanggapan sa Rizal Memorial Sports Complex kahapon.
“Maraming tension within PATAFA at maaari nating ayusin iyan ng mahinahon at pag-usapan na may katarungan. Hindi tayo ang magkaka-away dito pero tayo ngayon ang nag-aaway. Lumalabas na dalawa ang athletics team ng Pilipinas, hindi puwede iyan,†wika ni Juico na dating chairman ng Philippine Sports Commission (PSC).
Idinagdag pa ni Juico na iisa lamang ang layunin ng lahat sa nasabing NSA at ito ay ang patuloy na bigyan ng karangalan ang Pilipinas sa mga nilalahukang kompetisyon kaya’t mahalaga na patuloy na sumulong ang PATAFA bilang isang team.
“May mga pinagha-handaan tayong mala-laking torneo at tayo ay iisang team. Lahat tayo ay may kanya-kanyang papel na dapat nating gampanan at gampanan ng mabuti,†wika pa ni Juico.
May 25 atleta at coaches ang dumalo sa pagpupulong na ipinatawag ng PATAFA officers bunga na rin ng problemang nasimulan nang ipinatanggal sa talaan ng mga sasahod sa PSC ang mga National coaches na sina Joseph Sy at Rosalinda Hamero.
- Latest