MANILA, Philippines - Sinalubong si Filipino boxing superstar Manny Pacquiao ng mga pamil-yar na mukha sa kanyang pagdating sa Los Angeles International Airport.
Pinagkaguluhan ng mga die-hard friends, supporters at mga miyembro ng media si Pacquiao sa LAX matapos ang 12-hour flight mula sa Manila.
Ipagpapatuloy ni Pacquiao ang ikalawang bahagi ng kanyang pagsasanay para sa kanilang April 12 rematch ni Timothy Bradley, sa Wild Card gym ni Freddie Roach.
Kasama sa sumalubong kay Pacquiao si Justin Fortun, nagsilbi niyang strength and conditioning coach ng ilang taon bago nakipaghiwalay sa Fiipino camp noong 2007.
Ang dating heavyweight contender mula sa Australia, minsan nang nakalaban si Lennox Lewis, ay nagbalik sa Team Pacquiao.
May apat na linggo pa si Pacquiao para paghandaan ang kanilang rematch ni Bradley at ito ay kanyang sisimulan sa Lunes sa espesyal na bahagi ng Wild Card Gym sa Vine St. sa Hollywood na ipinagawa ni Roach.
Si Fortune ang bahala sa pagpapakondisyon kay Pacquiao at makakatulong si Cecilio Flores, isa ring strength coach na siya namang naghahanda ng organic diet.
Kasabay ni Pacquiao na dumating sina chief trainer Freddie Roach, sparring partner Lydell Rhodes, assistants Buboy Fernandez at Roger Fernandez at adviser Mike Koncz.
Bago sumakay sa kanilang flight patungong LA, ipinahayag ni Roach ang kanyang kasiyahan sa naging paghahanda ni Pacquiao sa General Santos City.
“We had a great camp in the Philippines and Manny, as usual, is way ahead of schedule in his conditioning, and very motivated,†sabi ni Roach. “The real business begins for us on Monday at Wild Card. We have great sparring waiting for Manny. He wants that title back.â€
Hangad ni Pacquiao na makabawi sa kanyang pagkatalo kay Bradley, halos dalawang taon na ang nakakaraan para mabalik sa kanya ang nabi-tawang WBO weltwerweight crown.
Nais din niyang patunayan na kabilang pa rin siya sa mga boksingerong dapat katakutan.
Naging motibasyon ni Pacquiao ang sinabi ni Bradley na nawala na ang kanyang killer instinct.