^

PM Sports

Blackwater handa na

Pang-masa

MANILA, Philippines - Handang-handa na ang Blackwater Sports sa gagawing pagdedepensa sa titulo sa PBA D-League Foundation Cup na magsisimula sa Marso 24.

Ayon kay Elite coach Leo Isaac, nakalimutan na nila ang kinapos na kampanya sa Aspirants’ Cup at ang nasa isipan lamang ngayon ay mapanatili ang titulong pinagwagian noong  nakaraang edisyon laban sa NLEX Road Warriors.

Umabot ng semifinals ang Elite at namuro na pumasok sa finals matapos makauna sa Big Chill sa best-of-three series.

Ngunit minalas ang koponan dahil natalo sila sa sumunod na dalawang labanan para mamaalam sa torneo.

“We don’t dwell on the past,” wika ni Isaac. “Mataas ang morale  namin and we look forward to a good conference.”

Inspirado ang mga manlalaro ng Elite dahil posibleng ito na ang maging huling conference ng koponan sa D-League dahil nagbabalak ang may-ari na si Dioceldo Sy na pumasok sa PBA.

Pinalakas din ni Isaac ang kanyang line-up sa paghugot kina dating Superchargers center Reil Cervantes bukod pa sa mga guards na sina Don Trollano at John Pinto.

Siyam na iba pang koponan ang kasali sa liga at nangunguna rito ang Aspirants’ Cup champion na NLEX na balak na ring umakyat sa PBA.

Ang Big Chill ay kasali pa habang ang iba pang kalahok ay ang Cagayan Valley, Café France, Cebuana Lhuillier, Boracay Rum, Jumbo Plastic, Hog’s Breath Café at Derulo Accelero.

Magiging kapanapanabik ang bawat sagupaan dahil lahat ng mga manlalaro ay magnanais na maipa-kita ang angking husay bilang paghahanda sa gagana-ping PBA Drafting. (AT)

ANG BIG CHILL

BIG CHILL

BLACKWATER SPORTS

BORACAY RUM

BREATH CAF

CAGAYAN VALLEY

CEBUANA LHUILLIER

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with