Nag-deliver si Lamizana para sa Air21

MANILA, Philippines - Umiskor lamang si import Herve Lamizana ng 2-points sa kabuuan ng first half ngunit nanatiling buo ang kumpiyansa ni head coach Franz Pumaren sa kanyang reinforcement.

Kumamada ang 6-foot-9 na si Lamizana ng 20 markers sa second half habang humugot si Mac Cardona ng siyam sa kanyang 11 points sa final canto para tulungan ang Air21 sa 83-78 paggupo sa Globalport sa pagsisimula ng 2014 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

“The first half was terrible. I told him (Lamizana) that import is supposed to be dominating. On Saturday we will play a very tough team (Talk ‘N Text) and we’ll see. We’re here to have a better performance.”

Bagama’t walang nakuhang produksyon kay La-mizana sa first period ay nagawa pa rin ng Express na iposte ang isang 10-point lead, 20-10, hanggang maagaw ng Batang Pier ang unahan, 78-77, mula sa split ni balik-import Evan Brock sa huling 1:32  minuto ng fourth quarter.

Tumipa si Mark Borboran ng tatlong free throws para ilayo ang Air21 sa 82-78 sa natitirang 18.2 segundo kasunod ang split ni Simon Atkins sa huling 8.2 segundo para sa final score.

Nalasap ng bagong coach ng Globalport na si Pido Jarencio ang kanyang unang kabiguan kagaya ni point guard Alex Cabagnot na bagito rin sa koponan.

Nagdagdag si Joseph Yeo ng 21 points, ang 17 dito ay kanyang ibinuhos sa first half, para sa Express kasunod ang 14 ni Asi Taulava.

Habang sinusulat ang balitang ito ay kasalukuyang naglalaban ang Alaska at Talk ‘N Text sa ikalawang laro kagabi.

Air21 83 -- Lamizana 22, Yeo 21, Taulava 14, Cardona 11, Borboran 6, Villanueva 4, Burtscher 2, Sharma 2, Jaime 0, Poligrates 0, Matias 0, Camson 0, Manuel 0.

Globalport 78 -- Brock 28, Chua 10, Washington 9, Macapagal 8, Custodio 8, Cabagnot 4, Garcia 4, Romeo 3, Yee 2, Salva 2, Nabong 0, Ponferada 0, Salvador 0.

Quarterscores: 22-14; 40-45; 66-56; 83-78.

 

Show comments