Bulls sinuwag ang Dallas Mavericks
DALLAS -- Hindi nag-alala si Taj Gibson nang maÂiwanan ang Chicago ng Dallas sa kaagahan ng laÂro, at lalong hindi ninerbiyos matapos humabol ang Mavericks sa dulo ng fourth quarter.
Nagposte si Gibson ng 20 points at 15 rebounds, haÂbang nagsalpak si Mike Dunleavy ng isang go-ahead 3-pointer para pangunahan ang Bulls sa 100-91 paggupo sa Mavericks.
“We're used to this,†sabi ni Gibson para sa ChicaÂgo (32-26) na naipanalo ang walo sa kanilang huling siÂyam na laro. “We get knocked down and we keep coming back.â€
Nagtayo ang Mavericks ng isang 16-point lead sa first half at binura ang isang six-point edge ng Bulls sa pamamagitan ng 7-0 atake.
Sinimulan naman ni Dunleavy ang isang 10-0 ratsada ng Chicago mula sa kanyang 3-pointer para sa kaÂnilang 87-85 abante.
Naglista si Jimmy Butler ng 19 points, 7 rebounds at 1 block at nagdagdag ng 17 markers si Kirk Hinrich para sa Bulls.
Tumapos si Dunleavy na may 16 points at 8 rebounds.
Umiskor sina Dirk Nowitzki at Vince Carter ng tig-15 points para sa Dallas.
Sa Oklahoma City, kumabig si Kevin Durant ng 30 sa kanyang 37 points sa second half para akayin ang Thunder sa 113-107 paggiba sa Memphis Grizzlies.
Tumipa si Durant ng 10-of-15 shots at 8-of-8 sa free throw line matapos ang halftime para sa tagumÂpay ng Oklahoma City.
Kumolekta naman si guard Russell Westbrook ng 21 points at 6 assists sa loob ng 28 minuto.
Nagdagdag si Serge Ibaka ng 16 points at 9 rebounds, habang may 14 markers si Reggie Jackson paÂra sa Thunder.
Sa Los Angeles, umiskor si Jordan Farmar ng caÂreer-high 30 points, tampok ang 8-of-10 sa 3-point range, para pamunuan ang Lakers sa 126-122 pananaig laban sa Sacramento Kings.
- Latest