DeMarcus Cousins sinuspindi na pinagmulta pa

MANILA, Philippines - Sinuspindi ng NBA si Sacramento Kings center DeMarcus Cousins ng isang laro at pinagmulta rin ng $20,000 nitong Huwebes dahil sa panununtok kay Houston Rockets guard Patrick Beverley at pagbibitiw ng ‘di magandang salita laban sa mga game officials.

Sinuntok ni Cousins si Beverly sa tiyan, 9:44 minuto ang natitira sa first quarter ng 129-103 pagkatalo ng Kings nitong Martes sa Sacramento.

Minultahan si Cousins  matapos mura-murahin si referee Courtney Kirkland at dahil hindi siya agad umalis ng court nang ma-eject ito sa laro, 8:21 minuto ang natitira sa third quarter.



Ise-serve ni Cousins ang kanyang suspension sa pagbisita ng Kings sa Los Angeles para labanan ang Lakers nitong Biyernes ng gabi.


Umasa ang bagong Kings owner na si Vivek Ranadive na magbabago si Cousins nang papirmahin niya ito ng four-year, $62 million contract extension bago magsimula ang season.

Ngunit si Cousins ang nangunguna sa NBA sa 15 technical fouls ngayong season at sususpindihin uli ng one game ng NBA kung mate-technical pa uli ito.

Show comments