Jersey ni Collins nag-top seller

MANILA, Philippines - Sinimulan na ng NBA ang pagbebenta ng No. 98 Nets jersey ni Jason Collins at ito ang top seller sa unang araw.

Bihirang gumagawa at nagbebenta ang NBA at ang 30 koponan ng merchandise na may numero at pangalan ng players na nasa 10-day contract.

Ang dahilan dito ay ang mga 10-day players ay bihirang manatili sa isang koponan sa kabuuan ng regular season matapos silang papirmahin.

Ngunit si Collins ay hindi ordinaryong 10-day-contract player.

Inihayag ng 7-foot reserve center at 13-year NBA veteran noong Abril na siya ay isang bakla.

Ang pagkakadagdag niya sa Brooklyn Nets ang humirang sa kanya bilang unang umaming bading na player na naglaro para sa isang NBA game na siyang kauna-unahan sa American professional sports.

Ayon kay Seth Berkman ng The New York Times, “On Monday, inquiries by those eager to buy a Nets jersey with Collins’s name started to multiply.”

 

Show comments