Bumilib si Rhodes kay Pacquiao

MANILA, Philippines - Nangailangan lamang si Lydell Rhodes ng apat na rounds para malaman kung gaano kagaling si Manny Pacquiao sa loob ng ring.

Nakipag-sparring ang undefeated American kay Pacquiao  noong Martes at nilisan niya ang Wild Card Gym sa General Santos City na bilib na bilib sa boksingerong Congressman.

“It was good. Manny is in better shape than I thought he’d be. It was a good surprise,” sabi ni Rhodes, may malinis na 19-0, sa GMA-7 sa isang interview.

Makikipag-sparring uli si Rhodes ngayon kay Pacquiao at sa mga susunod na araw pa.

Kinuhang sparmate ni Pacquiao ang 26-gulang na boxer dahil sinasabing katulad niya si Bradley o mas magaling pa ng kaunti.

“Just like Bradley, I have the same build and height. But I say I’m faster. We both have good movement. I do a lot of things similar to Bradley,” aniya sa isang interview.

Sinabi ni Rhodes na mayroon na silang gameplan.

“We have a little bit of a gameplan. We’re ma-king some more adjustments. We’re doing very well,” aniya.

Naghahanda si Pacquiao para sa April 12 rematch laban kay Timothy Bradley na humugot ng kuwestiyunableng decision win nang una silang maglaban noong June 2012.

Inamin ni Pacquiao na hindi niya sineryoso si Bradley sa laban at na-ging ‘mabait’ siya sa loob ng ring.

Sa pagkakataong ito ay iba na siya.

Nasa General Santos City na si Freddie Roachpara i-supervise ang training ni Pacquiao at umaasa siyang makikita niya ang dating Pacquiao sa loobng  ring pagdating ng kanyang laban sa MGM Grand sa Las Vegas.

Show comments