Ateneo volleybelles wagi sa National U.

Laro SA SABADO (Smart Araneta Coliseum)

2 p.m. - NU vs Ateneo (men’S  finals. GAME 1)

4 p.m. - Ateneo vs NU (women STEP-LADDER semis)

MANILA, Philippines - Dadaan sa butas ng karayom ang National University sa hangarin nitong umabot sa UAAP women’s volleyball Finals.

Ito ang ipinaalam ng back-to-back finalists Ateneo nang kunin ang mahirap na 25-17, 12-25, 31-29, 28-26, panalo sa step-ladder semifinals kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Si Alyssa Valdez ay tumapos taglay ang 29 puntos mula sa 24 kills, tatlong aces at dalawang blocks, para ipakita ang determinasyon ng Lady Eagles na makalaro pa sa Finals kontra sa three-time defending champion La Salle.

Mapalad lamang ang NU na inangkin ang ikalawang puwesto sa pagtatapos ng elimination round dahil hawak nila ang twice-to-beat advantage.

Magkakaroon pa sila ng isang pagkakataon para makapasok sa Finals sa do-or-die game sa Sabado.

Kinuha naman ng nagdedepensang men’s champion National University ang ikalawa at huling upuan sa championship round sa 25-19, 25-19, 25-18, straight sets panalo sa Adamson.

Ang Game One ay sa Sabado sa Araneta. (AT)

Show comments