MANILA, Philippines - Inangkin ng Far EasÂtern University ang kaÂnilang ikalawang sunod na korona matapos umiskor ng 2-1 panalo kontra sa University of Santo ToÂmas sa Game Two ng UAAP women’s football finals kahapon sa FEU DiÂliman field.
Kumonekta ng goal si Sharmine Siaotong sa pang-19 minuto, samantaÂlang nagdagdag si Alesa DoÂlino sa ika-56 minuto paÂra sa 2-0 pagwalis ng LaÂdy Tamaraws laban sa Tigresses sa serye.
Ang iskor ng UST ay nanggaling kay Marice MagÂÂdolot sa pang-89 miÂnuto.
Ngunit matapos ito ay hindi na nakatabla ang TigÂÂresses.
Ito ang ikatlong korona ng FEU sa huling apat na UAAP seasons.
“Sobrang saya, naÂwalang laÂhat ng pagod namin,†sabi ni FEU coach Marinel Dimzon.
Hinirang naman si Mae Suliano ng Lady TaÂmaÂÂraws bilang Most VaÂluaÂble Player ng torneo.