^

PM Sports

Blake sa Warriors kapalit ng 2 guards ng Lakers

Pang-masa

SACRAMENTO, California –  Gumawa ng move ang Golden State Warriors sa hangaring makahanap ng maaasahang backup kay point guard Stephen Curry.

Nakuha ng Warriors si Steve Blake mula sa Los Angeles Lakers kapalit nina reserve guards Kent Bazemore at MarShon Brooks nitong Miyerkules ng gabi para madagdagan ang veteran ball-handler sa kanilang humihinang bench.

Kumalat ang usap-usapan ukol sa deal started bago maglaro ang Warriors sa Sacramento at naging host ang Lakers kontra sa Houston, kung saan ang tatlong players na sangkot sa trade ay nagpaalam sa kanilang mga  teammates at coaches sa locker room.

Kinumpirma ng koponan ang trade bago ang halftime ng kanilang mga laro.

“We think this just bols-ters the bench and gives us some more options, some more weapons and a player when you give him the ball you know you can trust him,” sabi ni Warriors general manager Bob Myers habang may intermission sa Sacramento. “We just think it was a chance to improve our roster and that was our justification.”

Ang trade ay nagbigay sa Golden State ng maaasahang veteran off the bench na hindi naisasakripisyo ang kanilang core players o magbayad ng luxury tax.

Gumamit ang Warriors ng $4 million trade exception na nakuha nila sa pakikipag-deal sa Denver para makuha si free agent Andre Iguodala noong nakaraang summer. Ang koponan ay may $400,000 na dipirensiya bago magbayad ng luxury tax, ayon kay Myers.

Umaasa ang Warriors na makakasama na nila si Blake  sa pagharap sa Houston sa kanilang homecourt nitong Huwebes ng gabi sa Oakland.

 

ANDRE IGUODALA

BOB MYERS

GOLDEN STATE

GOLDEN STATE WARRIORS

GUMAMIT

GUMAWA

KENT BAZEMORE

LOS ANGELES LAKERS

STEPHEN CURRY

STEVE BLAKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with