MANILA, Philippines - Gagawin ng Pilipinas ang makasaysayang debut sa world stage sa pagkakabilang sa grupo ng bigating Uni-ted States sa idinaos na FIBA Under-17 World Championship draw ceremonies sa Dubai.
“The war is on,†sabi ni Phl Team head coach Jamike Jarin.
Bukod sa mga Filipino at Americans, kasama rin nila ang Greece at Angola sa Group A na ikinukunsiderang “Group of Death†sa torneong nakatakda sa Agosto 8-16 sa Al Ahli and Al Wasle Arena sa Dubai.
Sinabi ni Jarin, iginiya ang koponan sa silver medal finish sa FIBA-Asia Championship sa Iran noong nakaraang taon matapos matalo ng 7 points sa nagkampeong China, na ang pagkakagrupo nila kasama ang US ay sagot sa kanyang panalangin.
“If we want to test ourselves, we need to compete against the best,†wika ni Jarin. “We like this group because we will get the chance to compete against the next LeBron James and Kevin Durants.â€
“Our prayers were answered,†dagdag pa nito.
Magsasanay ang tropa sa Las Vegas sa Abril. Ang Japan, France, Canada at Australia ang bubuo sa Group B, habang ang Puerto Rico, Italy, Spain at host Dubai ay nasa Group C at ang Argentina, Serbia, Egypt at China ay nasa Group D.
Ang koponan ay binubuo nina Diego Miguel Dario ng UPIS, Joseph Matthew Nieto, Joseph Michael Nieto, Arnie Padilla at Jose Lorenzo Mendoza ng Ateneo, Lorenzo Navarro ng San Sebastian, Andres Desiderio ng UP, Jose Go IV ng Hope Christian School, Carlo Abadeza at Michael dela Cruz ng La Salle-Greenhills, Emmanuel Panlilio ng International School Manila at Richard Escoto ng FEU.