Jordan may kambal na anak na

CHARLOTTE, N.C. – May iba pang dahilan para matuwa si Michael Jordan bukod sa pag-i-improve ng performance ng kanyang NBA franchise.

Nanganak ang kanyang asawang si Yvette ng magkamukhang kambal na babae, ayon sa spokeswoman niyang si Estee Portnoy.

Sinabi ni Portnoy noong Martes ng gabi na isinilang ni Yvette Jordan, 35-gulang si Victoria at Ysabel noong Linggo sa West Palm Beach, Fla.

“Yvette Jordan and the babies are doing well and the family is overjoyed at their arrival,’’ sabi ni Portnoy.

Si Jordan ang may-ari ng NBA team na Charlotte Bobcats, na kasalukuyang eighth seed sa Eastern Conference ay may tsansang makarating sa postseason sa unang pagkakataon sapul nang kunin niya ang majority ownership noong 2010.

Pinakasalan ni Jordan, 51–gulang na sa Lunes, ang dating  model na si Yvette Prieto noong April 27 ng nakaraang taon sa Palm Beach, Fla. Ginanap ang reception sa private golf club sa Jupiter, Fla., na dinisenyo ni Jack Nicklaus.

Show comments