MINNEAPOLIS -- Hindi nakapaglaro si All-Star forward Kevin Love sa laban ng Minnesota Timberwolves kontra sa Portland dahilan sa isang bruised left quadriceps.
Wala rin sa aksyon si starting point guard Kevin Martin bunga ng isang broken left thumb na magpapatagal sa kanyang pagbabalik.
Sa halftime, sinabi ni Love na inaasahan niyang makakapaglaro siya sa kanilang pakikipagsagupa sa Houston Rockets sa Lunes.
“I knew that my quad was bothering me pretty bad so I went out there and tried to move around a little bit and it just wasn’t quite right,’’ sabi ni Love.
Paika-ikang naglakad si Love ngunit hindi iniha-yag ng Timberwolves na hindi siya maglalaro.
Ayon kay Love, natuhod siya ni Greg Steimsma ng New Orleans sa road loss ng Minnesota noong Biyernes.
Bago ibunyag ang injury, si Love ay nagtatala ng mga averages na 25.6 points at 13.3 rebounds at sinabing wala siyang planong ipagpaliban ang kanyang paglalaro sa All-Star game.