Davis papalit kay Bryant sa All-Star GAme

NEW YORK -- Pinili si New Orleans Pelicans forward/center Anthony Davis ni NBA Commissioner Adam Silver bilang kapalit ng may injury na si West All-Star Kobe Bryant ng Los Angeles Lakers sa 2014 NBA All-Star Game sa New Orleans.

Naglilista si Davis, maglalaro sa kanyang unang All-Star Game, ng mga averages na 20.5 points, 10.5 rebounds at isang NBA-leading 3.3 blocks sa 40 laro para sa Pelicans.

Ihahayag naman ni Oklahoma City Thunder head coach Scott Brooks, nakamit ang karapatang maging coach ng West squad nang makuha ng Thunder ang best record sa conference, ang ipapalit niya kay Bryant sa starting lineup.

Ilalaro ang 63rd NBA All-Star Game sa Smoothie King Center sa New Orleans sa Pebrero 16.

 

Show comments