MANILA, Philippines - Limang kabayo ang magsusukatan sa 1,200-metro distansya para kilalaÂning kampeon sa 2014 Philracom SponÂÂsored Charity Special Race sa pagÂÂÂtatapos ng karera ngayong gabi sa MetÂro Turf sa Malvar, Batangas.
Ang mga nagpatala sa karerang kiÂkiÂlalanin din bilang 2nd Horse Racing Cup ay ang Mahiwaga (MA Alvarez), Birthday Gift (JB Cordova), Boundary (JL Paano), Freaky (RC Tanagon) at Satin Lace (EP Nahilat).
Wala pang malaking panalo na naiÂtala ang mga nabanggit na kabayo kaÂya't inaasahang ikokondisyon ang mga ito ng kani-kanilang handlers para doÂmiÂÂnaÂhin ang karera.
Suportado ito ng Philippine Racing Commission (Philracom) at sinahugan ng P180,000.00 gantimpala.
Samantala, humatak ng hindi inaasahang panalo ang kabayong Nobody But You sa pagdadala ni JF Paroginog sa pista noong Miyerkules ng gabi sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Ito ang unang sakay ng nasabing hiÂnete sa kabayo sa taong ito para di maÂpaboran kahit tumapos sa pang-apat na puÂwesto noong Enero 31.
Mahusay ang diskarteng ipinakita ni PaÂroginog dahil nakabangon ito kahit naÂbugaw sa alisan sa hanay ng 12 kabayo sa isang handicap race sa 1,200-metro.
Lamang na ang Kuya Yani sa huling 250 metro ng karera pero sa huling 50 meÂtÂro ay bumulusok ang Nobody But You para sa isa't kalahating dipang paÂnaÂlo sa dehado ring Kuya Yani ni LT CuadÂra Jr.
Nagpasok ng P54.00 ang win, habang naÂsa P664.50 ang dibidendo sa 9-10 forecast at ang napaboran sa karera ay ang Yes Ma'am na hindi tumimbang sa pagdadaÂla ni JB Guce.