MANILA, Philippines - Magsasagawa ang AdamÂÂson University ng kaÂÂÂnilang taunang Falcon Run 4 na isang sports at fund-raising event bukas sa Cultural Center of the PhiÂlippines Complex sa MaÂnila.
Higit sa 10,000 runners ang inaasahang lalahok sa karerang magsisiÂmula sa ganap na alas-6 ng umaga.
Ang call time ng event na magpapasimula sa isang linggong pagdiriwang sa 82nd Foundation AnÂniversary ng Adamson University ay sa ganap na alas-4 ng umaga.
Sapul nang ilunsad noÂong 2011, matagumÂpay na nakalikim ng ponÂdo ang Falcon Run para sa mga scholarship progÂrams ng paaralan.
Ang event ay panguÂngunahan nina University President Fr. Gregg Bañaga Jr., CM kasama ang mga vice-presidents at iba pang top administration officials katuwang si daÂting PBA player at ngaÂyon ay isa sa mga assistant coaches ng Soaring Falcons na si Vince Hizon at ang kanyang asawang si Patricia Hizon na tataÂyong hosts.
Ang Falcon Run ay inorÂganisa ng Office for InsÂtitutional Advancement.