MANILA, Philippines - Pilit na isasantabi ng Rain or Shine ang problema sa off-court sa pag-asinta ng isa pang panalo laban sa Petron Blaze na magsisilbing tiket para sa championship round sa PLDT-myDSL PBA PhiÂlippine Cup ngayong gabi sa Smart Araneta ColiseÂum.
Asahan na gagamiÂting motibasyon ng Elasto Painters ang hindi pag-upo sa bench ni coach Yeng Guiao para wakasan ang best-of-seven semifinals series nila ng Boosters sa Game Five ngayong alas-8 ng gabi.
Kinuha ng koponang pag-aari nina Terry Que at Raymond Yu ang mahalagang 3-1 bentahe matapos ang 88-83 panalo sa Game Four noong Lunes.
Sa nasabing laro ay naÂÂpatalsik si Guiao, nguÂnit nagsilbing mitsa sa nag-aalab na damdamin ng Elasto Painters na kaÂniÂlang ibinulalas sa huling yugto tungo sa panalo.
Ito ang ikalawang suÂnod na laro na napatalsik si Guiao dahil noong Game Three ay pinasibat din siya matapos ang dalawang technical fouls.
Hindi pa malaman kung makakabalik na si Paul Lee na natapilok, habang malabo rin si Jervy Cruz na nabalian ng ilong nang tamaan ng kamao ni Boosters guard Alex CaÂbagnot.
Pero sa dami ng hirap na dinaanan ng Elasto PainÂters ay tiyak na kaya pa nilang sagupain ang haÂmon para maibigay sa prangkisa ang ikalawang pag-apak sa Finals.
Ang aksyon sa court ng Rain or Shine ay hiwalay sa pagkilos ng board representative Atty. MaÂmerto Mondragon na silipin din ni Commissioner Chito Salud ang kaÂpalpakan sa tawagan ng mga referees sa pananakit ng Boosters sa kanilang manÂlalaro.
Ang sulat ay ipinaabot na sa Commissioner’s Office at ipinarating din nila ang hindi pagsang-ayon sa pagpataw ng one-game suspension kay Guiao bukod sa P100,000.00 buÂnga ng ‘dirty finger’ na ginawa niya sa ikatlong pagtutuos.
“We have no problem with the fine, but the one-game suspension was too much. Masyado na kaÂming pinilayan,†wika ni MonÂdragon.
Umaasa naman ang Rain or Shine representative na kikilos si Salud sa reklamo laban sa referee na pinituhan lamang ng regular foul si Cabagnot na dapat ay flagrant foul dahil nabasag ang ilong ni Cruz.