MANILA, Philippines - Noong Sabado, nagdagdag ang Pacers ng size at scoring punch sa kanilang roster sa pagkuha kay mercurial free agent center Andrew Bynum para sa kabuuan ng season. Hindi naglabas ang mga team officials ng karagdagang detalye ukol sa contract at nagsabing inaasahang makakasama na si Bynum ng team anumang araw sa susunod na linggo.
“We are obviously happy to have him join our team,’’ pahayag ni Larry Bird sa statement ng team halos 12 hours na lang bago kalabanin ng Indiana ang Brooklyn sa sariling balwarte noong Sabado. “He gives us added size, he is a skilled big man and he has championship experience. With the mi-nutes he gets, he should be a valuable addition.’’