NU tinalo ang UE para sa playoff sa Final Four ng UAAP women’s volley

MANILA, Philippines - Matikas ang ipina­kitang laro ni Dindin San­­tiago at ibigay sa Na­tional University ang play­off pa­ra sa ikalawang ‘twice-to-beat’ advantage sa 76th UAAP women’s volley­ball sa 25-12, 25-18, 25-13 pananaig sa UE ka­hapon sa The Arena sa San Juan City.

May 23 puntos ang 6-foot-2 na si Santiago mu­la sa 13 kills, walong service aces at dala­wang blocks upang hindi magkaroon ng anumang problema ang Lady Bulldogs na kinagat ang ika-10 panalo laban sa isang pag­ka­talo.

Kailangan na lamang ng NU na maipanalo ang isa sa huling tatlong la­ro, pangungunahan na ang laro kontra sa UP sa Mi­yerkules, para samahan ang walang talong La Salle na may bentahe sa Fi­nal Four.

Ang nakababatang ka­patid ni Santiago na si Jaja ay naghatid pa ng 10 hits, habang sina Carmin Aga­non at Myla Pablo ay nagsanib sa 17 puntos pa­ra ipakita ang dominas­yon ng malalaking manlalaro ng Lady Bulldogs.

Si Ma. Shaya Adora­dor ay mayroong 12 puntos para sa Amazons na na­talo sa ika-11 sunod na la­ro.

Kumapit pa ang FEU sa mahalagang ikaapat na puwesto sa 26-24, 25-18, 25-18 tagumpay sa UST sa ikalawang laro.

Ang mga inaasahang manlalaro na sina Berna­dette Pons, Marie Toni Ba­sas, Remy Joy Palma at Samantha Dawson ay nag­halinhinan sa pag-ata­ke sa depensa ng Lady Tigresses para lumayo pa ang Lady Tamaraws sa Adamson sa 6-5 baraha.

Sina Pons at Basas ay gumawa ng 12 at 10 puntos at may 19 pinagsamang kills, habang sina Pal­ma at Dawson ay nag-ambag ng dalawang aces at tatlong blocks ayon sa pagkakasunod.

 

Show comments