Mag-utol na Ceniza sumira ng rekord sa Batang Pinoy
BACOLOD CITY, Philippines -- NaÂnalasa ang mga atleta ng Cebu City sa pamamaÂgitan ng dalawang magkapatid na nagposte ng mga bagong rekord sa weightlifting at tatÂlo sa apat na gintong medalya sa lawn tennis ang kanilang inangkin sa pagtatapos ng Batang Pinoy National Finals 2013 kahapon.
Naghalinhinan sa pagbura ng marka ang mag-utol na sina Jhon Febuar at Evangelito Dale Ceniza sa weightlifting event.
Bumuhat ang 15-anÂyos na si Jhon Febuar ng mga bagong rekord sa boys 46-kilogram snatch, clean and jerk para sa kabuuan niyang 63kg, 76kg at 139kg, ayon sa pagkakasunod.
Sinira ni Jhon ang mga dating rekord ni Elbert AtiÂlano ng Zamboanga sa snatch (55) at total (125) noÂong 2011 at ang itinala ni Clark Cui Co ng Cebu sa clean and jerk (75).
Naglista rin ng bagong marka ang kanyang kapatid na si Evangelito Dale sa boys 42kg mula sa buhat na 60-80-140 para buÂrahin ang 45-70-106 ni Kenneth Bumagat ng ZamÂboanga City noong 2012 sa Tacloban.
Nagsumite rin ng mga bagong rekord si national pool member Elien Rose Perez ng Bohol sa isinumiteng 57-62-119 sa girls 48kg para basagin ang 50-61-111 ni Margaret CoÂlomia ng Zamboanga CiÂty noong 2012 sa TacÂloban.
Nagdomina naman ang Cebu City sa lawn tenÂnis nang kunin ang tatÂlo sa apat na gintong meÂdalya sa mga panalo nina Jan Godfrey Seno, Zethley Alferez at Jana Pages.
Nanalo si Seno sa boys singles, habang nagÂreyna si Alferez sa girls singles at nakipagtambal kay Pages sa girls doubles.
Ang Negros Occidental ang pumitas sa gintong medalya ng futsal event.
- Latest