^

PM Sports

3-Yr old maiden races sa Metro Turf

Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang three-year old maiden races na sina­hu­gan ng tig-P10,000.00 added prizes sa mananalong kabayo ang magpa­pa­sigla sa pagsisimula sa dalawang araw na pista sa Metro Turf sa Malvar, Batangas.

Una rito ang 3-YO Maiden race sa race three na paglalabanan sa 10 kabayo, kasama ang isang coupled entry, sa 1,200-meter race.

Ang mga kasali ay ang Security Wisdom, My Priviledge, Cabezera, Pearl Bull, Great Walda, Mas­querade at Fly Me To The Moon, Sharp Look, Red Dragon at Binirayan.

Ang Security Wisdom ang pinatawan ng pi­nakamagaan na handicap weight na 49-kilos, habang ang mga inaasahang ma­giging palaban ay ang Red Dragon, My Prividege, Pearl Bull na gagabayan nina JB Hernandez, JB Guce at AR Villegas.

May siyam na kabayo naman ang nakatala sa isa pang Philracom-sponsored race na bukas hindi lamang para sa mga edad na tatlong taon gulang kundi higit pa na inilagay din sa 1,200m distansya.

Ang mga kasali ay ang Nemesis, Scotch And So­da, Moriones, Hansel,. Han­dog at Maligalig, Elu­sive Ride, Oxygen at Frea­ky.

Sa talaang ito, ang Scotch And Soda na gagabayan ni Val Dilema ang natatanging kabayo na edad apat na taon, habang ang iba ay mga 3-year old horses.

Ipinalalagay na nasa kon­disyon ang mga ka­bayong Hansel, Handog at Elusive Ride pero ang iba ay tiyak na palaban din para makuha ang gantimpalang nakataya.

May 12 karera ang na­kaprograma sa hapong ito at isa rin sa tututukan ay ang Special Handicap Race 10 na inilagay sa isang milya. (ATan)

ANG SECURITY WISDOM

ELUSIVE RIDE

FLY ME TO THE MOON

GREAT WALDA

METRO TURF

MY PRIVIDEGE

MY PRIVILEDGE

PEARL BULL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with