MANILA, Philippines - Mas kinampihan ni Juan Manuel Marquez si ManÂny Pacquiao para sa reÂmatch ng Filipino world eight-division champion kay world welterweight titÂlist Timothy Bradley, Jr.
Sinabi ng 40-anyos na si Marquez (55-7-1, 40 KOs) na kung muling maiÂpapakita ng 35-anyos si Pacquiao (55-5-2, 38 KOs) ang kanyang porma ay tatalunin niya ang 30-anyos na si Bradley (31-0-0, 12 KOs) sa Abril 12 sa MGM Grand sa Las VeÂgas, Nevada.
Tinalo ni Bradley si PacÂquiao mula sa isang konÂtrobersyal na split deÂciÂsion para agawin kay ‘PacÂman’ ang suot nitong World Boxing Organization (WBO) welterweight crown noong Hunyo 9, 2012.
“In that fight the decision was different from what happened in the ring, and I think Bradley should change his strategy because it did not work (from the first fight),†ani Marquez.
“Pacquiao could fight the same, but it is Bradley who needs to make the adjustments,†wika pa nito.
Isa si Marquez sa mga ikinunsiderang laÂlabaÂnan ni Pacquuao buÂkod pa kay WBO light welterweight king Ruslan Provodnikov (23-2-0, 16 KOs).
Kumpiyansa si Marquez na kayang resbakan ni Pacquiao si Bradley sa kanilang rematch.
“If judges do what needs to be done, Pacquiao should win,†sabi ni Marquez. “If Bradley makes the adjustments, it’s going to be a very good fight.â€
Binigo ni Bradley si MarÂquez para sa kanyang ikalawang sunod na pagÂdedepensa sa WBO welÂterweight belt noong OkÂtubre.
Bago ito, matagumpay na naidepensa ni Bradey ang kanyang korona laÂban kay Provodnikov noÂong MarÂso.
Makaraan ang pagkaÂtalo kay Bradley ay pinaÂtulog naman si Pacquiao ni Marquez sa sixth round sa kanilang ikaapat na banggaan noong Disyembre 8, 2012.
Sa kanyang pagbabaÂlik sa aksyon noong NobÂyembre 24 ay dinomina ni Pacquiao si Brandon ‘Bam Bam’ Rios sa kaÂnilang non-title, welterweight fight sa Macau, ChiÂÂna.